‘I’M SICK AND TIRED OF THIS!’ | Sen. Gordon, nag-init ang ulo kay Justice Sec. Aguirre sa pagdinig sa Senado kanina
MANILA, Philippines — Galit na inutusan ni Senator Richard Gordon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na magpasa ng sinumpaang salaysay sa lalong madaling panahon tungkol sa mga pinag-usapan nila ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Cebu noong nakaraang buwan (Agosto, 2017).
Ang pinag-usapan umano nina Aguirre at Sereno ay patungkol sa kaso ng P6.4-M halaga ng shabu na nakapasok sa bansa kung saan nagresulta sa pagkakahuli at pagkakaso sa ilang Chinese at Pilipinong suspek.
“I will call this judge and institute constitutional crisis because they are violating the law,” galit na sinabi ni Gordon kanina sa pagdinig sa Senado.
‘CONSTITUTIONAL CRISIS’
Nagbabala si Sen. Gordon na gagawa ng constitutional crisis dahil sa pagkabigong sunugin ang mahigit sa walong daang kilo ng shabu na nasabat sa San Juan noong Disyembre. Isinisi niya ito sa trial court judge na humawak ng kaso.
Kanina, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado, inamin ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mga nakumpiskang shabu noong Disyembre ay hindi pa rin sinusunog at buo pa. Nasa 560 kilo lang daw ay nasa kustodiya ng PDEA at ang iba naman ay nasa NBI.
Nang tanungin ni Sen. Gordon kung bakit hindi pa nila sinisira o sinusunog ang nasabing droga, sinagot siya ng mga ito na kakailanganin daw ng court order mula sa hukom na humahawak ng kaso bago sila kumilos.
Dagdag pa nila, si Juvencio Gascon daw ang may hawak ng naturang kaso at hindi pa raw nito natatapos inspeksiyunin ang mga nakumpiskang droga. Sa proseso rin daw ng inspeksiyon at testing ng nasabing hukom, kumuha raw ito ng ilang sample mula sa mga nakapaketeng droga
Giit ni Gordon, tila hindi raw alam ng nasabing hukom ang batas. Nire-require lang daw ng batas ang isang hukom na magsagawa ng inspeksyon kapag ang nasabing droga ay nasuri na ng otoridad. Matapos daw ang inspeksyon ay dapat agad nang sunugin ang mga nasabing ebidensya.
Post a Comment