Header Ads

Obispo: Hindi balak ng Simbahan na pabagsakin si Pangulong Duterte

Hindi hangad ng Simbahang Katolika na patalsikin sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte, pahayag ni isang obispo nitong Huwebes.
Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., layunin lamang ng mga pagpuna ng Simbahan ay ang magkaroon ng pagbabago sa hindi mga tamang gawi.


Loading...

Ilan sa mga puna ni Bishop Bacani kay Pangulong Duterte ay ang pabago-bago nitong desisyon, pagsisinungaling, pagmumura at maging ang nagaganap na pagpaslang sa mga hinihinalang adik kaugnay na rin sa war against illegal drugs.
“Hindi ako sumasama diyan [sa panawagan] na mag-resign kayo. Ang sabi ko lang magbago kayo at magbago kayo ng paraan,” pahayag ni Bacani.


Loading...

Nauna nang inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa administrasyong Duterte nang hirangin ito bilang bagong Pangulo ng bansa noong 2016.
Ayon sa inilabas na pastoral letter ni CBCP President, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, magiging mapagbantay ang Simbahan para panatilihin ang kalayaan ng mamamayan at mamumuna sa mga pagmamalabis.


Loading...

Gayunman, ayon pa sa arsobispo, ang pagpuna ay hindi para ibagsak ang gobyerno kundi pagpapaalala lamang at hindi dapat ituring bilang kaaway.
Sa loob ng dalawang taong panunungkulan ng pangulong Duterte, pinuna ng simbahan ang war against drug campaign ng pamahalaan dahil na rin sa laganap na pagpaslang.
Ayon sa ilang mga ulat, aabot na sa 14,000 ang napapatay na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Giit ng CBCP, hindi pagpaslang kundi pagpapanibago ng mga lulong sa bisyo ang dapat na maging kampanya ng pamahalaan laban sa droga.


Loading...

Magdiriwang naman ng unang taon ang Sanlakbay Para sa Pagpapanibago ng Buhay – isang church initiative-community based drug rehabilitation ng Archdiocese of Manila na tinatayang may mahigit sa 100 drug dependent ang magtatapos sa 6-month program na ipinatupad ng may 12 parokya ng archdiocese.

No comments