Header Ads

Senator Trillanes iginiit na kailangang pirmahan ni Pangulong Duterte ang bank waiver dahil kung hindi magbitiw na lamang daw ito sa pwesto. Sang ayon ba kayo sa pahayag ni Trillanes?

Hinamon
ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na pumirma ng bank waiver kung hindi magbitiw na lamang daw ito bilang Pangulo ng bansa. Ayon kay Trillanes pakiramdam daw nito ay napawalang sala s'ya pakatapos kumpirmahin ng  Office of the Ombudsman na nakakita sila ng sapat  na dahilan upang pagtuunan nila ng pansin ang alegasyon tungkol sa ill-gotten wealth ng Pamilya Duterte.


"This proves not only that my allegations about his billion-peso bank accounts are true, but also that Duterte has fooled a lot of people into believing that he is not corrupt,” anya ni Trillanes.



Kaya hamon ni Trillanes kay Pangulong Duterte. “The only way na ma-disprove ang allegations sa kanya ay pumirma siya ng waiver. Kung hindi siya pipirma, kailangan niya mag-resign. So sign or resign.”



Sa isang talumpati noong Setyembre 20, sinabi ng Pangulo. “If you see P200 million and confirm that I have it, I will step down tomorrow.” 

Maluwag namang tinanggap ng Malacañang ang Ombudsman ukol sa imbestigasyon nito sa tagong yaman ng Pamilya Duterte. Ayon sa tagapag salita ng Pangulo na si  Ernesto Abella  “the President has nothing to hide.” 



“The President respects the internal processes of the Ombudsman as an independent body, and trusts its impartiality in the conduct of its fact-finding duty,” dagdag pa ni Abella sa isang pahayag.
Ayon kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na ang alegasyon ni Trillanes ay sapat upang gawin ang bank inquiry ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).


Sinabi rin ng Ombudsman na ang mga dokumento ng bank accounts ni Duterte, na isinumite sakanila ay “more or less” parehas sa mga sinasabi at ipinakita sakanila ni Trillanes.


“Sinabi mo na hindi totoo ‘yung mga accounts na ‘yan. In fact, kinakastigo mo ‘yung ABS-CBN at Inquirer na bakit ginamit ‘yung basura na allegation ko pero ngayon totoo naman pala so therefore, sinungaling na siya, corrupt pa siya,”. Ayon kay Trillanes.

1 comment:

  1. Hi! Meron akong isang concern. Kinopya mo yung isang article na ginawa ko. As in kopyang kopya, magmula sa title, picture hanggang sa nilalaman nito. Nakakapang hina na may mga taong kagaya mo na hindi marunong rumespeto sa gawa ng iba. Every article na ginagawa ko lagi akong maingat sa bawat salitang bibitawan ko. I always give so much time per article. Pagod at Tiyaga ang puhunan ko. Ikaw walang kapagod pagod. Nakakalungkot. Ito yung article na kinopya mo.

    Scoopfeedph.blogspot yung website ko kinopya mo yung article ko

    https://scoopfeedph.blogspot.com/2017/09/senatortrillanes-iginiit-na-kailangang.html

    ReplyDelete