Header Ads

VP LENI KAMPANTE SA ITINATAKBO NG KONTRA PROTESTA VS. BBM

Kuntento si Vice President Leni Robredo sa itinatakbo ng kanyang kontra protesta laban kay dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema na tumatayong PET o Presidential Electoral Tribunal.


Ito’y makaraang ibasura ng PET ang first cause of action ng kampo ni Marcos na kumukuwestyon sa ligalidad at integridad ng nangyaring halalan sa Pangalawang Pangulo ng bansa.
Ayon sa Bise Presidente, malinaw aniya ang pasya ng korte na malinis at kapani-paniwala ang naging resulta ng halalan kaya’t naniniwala siyang walang dapat ikabahala rito ang mga bumoto sa kaniya.
Ngunit paglilinaw naman ng PET na mayroon pang second at third cause of action ang kampo ni Marcos kung saan, kinatigan ang ikalawa na manu-manong bilangin muli ang mga balota sa tatlong lalawigang saklaw ng protesta.

No comments