Trillanes, kikilos vs Koko Pimentel kapag 'di inalis si Gordon sa blue ribbon panel
Kikilos umano si Senador Antonio Trillanes IV para mapalitan bilang Senate President si Sen. Aquilino "Koko"Pimentel III kapag nanatiling tagapangulo ng blue ribbon committee si Sen. Richard Gordon.
"Sa akin, for as long as si Senator Gordon nandiyan sa blue ribbon committee I will put the blame and responsibility kay Senator Koko Pimentel," pahayag ni Trillanes sa Kapihan sa Senado nitong Huwebes.
"So 'pag ka hindi nila tinanggal 'yan, talagang I will work hard para matanggal din si Senator Koko Pimentel, para matanggal si Senator Gordon as blue ribbon committee chairman," dagdag pa niya.
Ayon kay Trillanes, naapektuhan ang pagiging malaya ng Senado dahil kay Gordon.
"I am hoping na magbago ang Senate leadership, kasi ang Senate ngayon ay apektado yung independence and nagre-reflect 'yan doon sa committee ni Senator Gordon," ayon kay Trillanes.
"In fact sinabi ko ito kay Senator Pimentel, ako mababaw ang kaligayahan ko. I'm not asking for committee chairmanship ang hinhingi ko lang is 'pag mag-iimbestiga ang Senado dapat hindi pinipigilan dapat talagang kinakalkal palalim hanggang sa wala nang makita," paliwanag niya.
"Hindi yung may inaabswelto na mga tao or mga pinuproteksyunan, hindi ganyan ang Senado na gusto natin," giit ni Trillanes.
Loading...
Una nang sinabi ni Trillanes na maghahain siya ng ethics at plunder complaint laban kay Gordon.
"Wala na bang mas magaling diyan? wala na bang mas maayos diyan? Kasi blue ribbon committee, kailangan ito talagang objective siya, talagang wala siyang kinakatakutan, kailangan imbestigador yung mindset niya, hindi defense lawyer mindset," patuloy ng senador.
Sabi pa ni Trillanes, marami silang kasama sa Senado na kuwalipikado para pamunuan ang blue ribbon committee.
Inilarawan din ni Trillanes ang liderato ni Pimentel na "passive" o hindi aktibo.
"Sa akin nakita ko very passive siya, very passive ang leadership style niya. Sa 'kin dito marami siyang pwede dapat mga panghimasukan kaso hinahayaan niya eh. Itong demeanor ni Senator Gordon as blue ribbon committee chairman ay talagang nagwawala na eh, nagwawala na to so akala niya may franchise ata ito parang isang, parang sa kanya na no may ownership hindi ganon, so yun yun," ayon kay Trillanes.
Post a Comment