Header Ads

Trillanes hindi makapagpakita ng authenticated evidence —Inday Sara

Hindi kayang makapagpakita ni Senator Antonio Trillanes ng "authenticated" na ebidensya sa mga akusasyon  nito laban sa Pangulo, pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio nitong Sabado.
Ayon sa kanya, puro kasinungalingan ang mga sinasabi ni Trillanes, kaya naghahanap lang ito ng maibabato laban sa pamilya Duterte.
Sa panayaam ng GMA News kay Mayor Sara sa Davao City, hinamon pa niya ang senador na huwag gamitin ang kanyang parliamentary immunity at patunayan ang kanyang mga alegasyon laban sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.


Loading...
Muli ding binatikos ni Mayor Sara sina Senadora Risa Hontiveros at Senador Kiko Pangilinan dahil sa kanilang mga kritisismo sa kanyang ama.
Nauna nang binatikos ni Mayor Sara sa kanyang Facebook post ang mga senador dahil sa paghingi nila ng tulong sa kanyang ama na noo'y Davao City Mayor pa lamang.
At ngayong nanalo na ang kanyang ama, puro mga negatibong pahayag na ang kanilang sinasabi laban sa kanya.

No comments